NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  Business
Tigil sa paniningil ng mas mataas na SSS contribution hinihiling
ABS-CBN News
Posted at Sep 30 2021 06:15 PM | Updated as of Oct 02 2021 08:03 PM
Tigil sa paniningil ng mas mataas na SSS contribution hinihiling
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA - Nanawagan ang mga negosyante at mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paniningil ng mas mataas na kontribusyon para sa Social Security System. 
Ayon sa Employers' Confederation of the Philippines, isang grupo ng mga negosyante at manggagawa, dapat utusan ni Duterte ang SSS na ihinto muna ang paniningil ng mas mataas na kontribusyon simula noon pang Enero. 
Makakatulong umano ito para mapanatiling buhay lalo na ang mga maliliit na negosyo sa gitna ng patuloy na pandemya. 
"'Yung mga kompanya maraming nagsasara, I think pagsasama samahin mo itong benepisyong ito na ibibigay ng gobyerno, makakatulong 'yan sa pagkumbinsi sa mga kompanya, lalo na ang mga micro, na magbukas ulit," ani ECOP President Sergio Ortiz-Luis. 
Sang-ayon dito ang manggagawa ng maintenance department ng hotel na si Chito Bisunia, na binawasan ang sweldo dahil tatlong araw na lang kada linggo ang pasok. 
Business, labor groups urge Malacañang to release EO deferring SSS contribution hike
"Malaking bagay na rin po 'yung pandagdag sa pagkain, pambili ng vitamins at pag-aaral ng mga bata, kahit sabihin nating maliit na bagay siya pero malaking tulong po kung tutuusin," ani Bisunia. 
Sagot naman ng Malacañang na pinag-aaralan na ang hiling ng mga negosyante at manggagawa. 
"Meron nang recommendation na sinubmit ang SSS pero tinitingnan ang financial viability ng SSS at kahinaan ng negosyo at hanapbuhay sa kabila ng pandemya. So hintayin natin ang desisyon ng Pangulo," ani Presidential Spokesman Harry Roque.
Palace says to decide soonest on calls to defer SSS contribution hike
Mabagal na proseso: SSS, pinaka-inireklamong ahensya ng pamahalaan sa CSC
Kokonsultahin naman ng Pag-IBIG Fund ang mga employer at employed members kaugnay sa napipintong P50 taas-kontribusyon sa Enero 2022. 
Nitong 2021 dapat itataas ito pero ipinagpapaliban muna bilang konsiderasyon sa mga tinamaan ng pandemya. 
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  SSS contribution   workers   employment  COVID-19   coronavirus  
BRAND NEWS

Restaurant chain welcomes new beverage partner
SOCIAL WEB
Kakay (Dimples Romana) bursts in anger when Rica's (Charlie Dizon) case gets dismissed. Official Viral Scandal showpage: https://ent.abs-cbn.com/viralscandal Watch the full episodes of...
3 h
The United States on Monday announced a diplomatic boycott of the 2022 Beijing Winter Olympics, citing human rights… https://t.co/H3uUQoqELT
2 h






© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!