NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  Entertainment
Lovi, Piolo pressured, excited sa gagawing K-drama remake
ABS-CBN News
Posted at Sep 17 2021 09:01 PM
Lovi, Piolo pressured, excited sa gagawing K-drama remake
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA — Ramdam na agad nina Lovi Poe at Piolo Pascual ang pressure sa gagawing Philippine adaptation ng Korean crime thriller drama na "Flower of Evil."
"At first, there's that pressure that we feel but also excitement... We're gonna give it our own twist, you know the whole Filipino twist that we would give our viewers," ani Poe, na inilunsad bilang bagong Kapamilya talent nitong Huwebes.
'This is my dad's home': Lovi Poe masaya bilang bagong Kapamilya
Si Pascual naman, na pumirma rin ng bagong kontrata sa ABS-CBN, masayang makagawa muli ng K-drama adaptation lalo't isang dekada na mula nang ipalabas ang local version ng "Lovers in Paris" na pinagbidahan niya.
Kapamilya pa rin! Piolo Pascual pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN
"The last K-drama I did was Lovers in Paris, it was 10 years ago so finally I got to do something like this again... It's nice to do something like this again," ani Pascual.
Pero hindi lang si Pascual ang may milestone sa career dahil bibida ang kanyang anak na si Iñigo sa isang musical drama series sa Amerika na may titulong "Monarch."
Isa sa makakatrabaho niya ang award-winning Hollywood actress na si Susan Sarandon.
"She's honestly so sweet... We had this conversation for 20 minutes and grabe sobrang down to earth na tao," ani Iñigo.
Nakatakdang ipalabas ang Monarch sa Amerika sa January 30 2022.
—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPh   Tagalog news   balita   TV Patrol  Lovi Poe   Piolo Pascual   Lovi Piolo   K-drama   Kdrama  koreanovela   Flower of Evil   Lovers in Paris   Iñigo Pascual  showbiz   ABS-CBN   Kapamilya forever   Susan Sarandon  
SOCIAL WEB
#NewsPatrol Balikan ang mga malalaking balitang dapat mong tutukan ngayong Miyerkoles, Oktubre 27, 2021: https://t.co/T78Py95hqi
17 m
Demolition of illegal fish pens in Manila Bay along Cavite City begins on Nov. 4, the Manila Bay IATF announced.

1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!