NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  Life
Pope Francis namigay ng 15,000 ice cream sa mga preso sa Italy
ABS-CBN News
Posted at Sep 09 2021 01:19 PM
Pope Francis. Reuters/File 
VATICAN CITY -- Namigay ng 15,000 ice cream si Pope Francis sa dalawang kulungan sa Italy, ayon sa Vatican nitong Martes. 
Filipino bishops call for prayers as Pope Francis recovers after colon surgery
'They will leave you empty': Pope Francis warns youth of cons of technology
Sa isang pahayag, sinabi ng charity office ng Santo Papa na dinala ang mga ice cream sa dalawang kulungan -- sa Regina Coeli jail sa Tiber River at ang mas bagong Rebibbia prison sa labas ng siyudad. 
Idineliver ang mga ice cream sa pangalan ng Santo Papa, sa pamamagitan ni Polish Cardinal Konrad Krajewski, na mas kilala bilang "the pope's almoner" o tagapamigay sa mga mahihirap. 
Ginawa ito sa kalagitnaan ng tag-init, na sinasabing pinakamainit batay sa mga record. Nitong Agosto lang ay naitala ang 49 degrees Celsius na temperatura sa Sicily, na pinakamataas umano sa buong Europa. 
Nagpatayo rin ang 57 anyos na si Krajewski, na isa sa mga pinakabatang cardinal, ng mga medical at bathing facility para sa mga homeless sa Vatican sa utos ni Pope Francis. 
Nakapagpadala rin ang tanggapan ni Krajewski ng $600,000 CT Scan machine sa isang health facility sa Madagascar at $2.37 milyong pondo para mapabuti ang medical facilities sa tatlong bansa sa Africa nitong tag-init, ayon sa pahayag. 
-- Isinalin mula sa ulat ng Reuters
KAUGNAY NA VIDEO: 
Ang Pinay chef na nagsilbi kay Pope Francis
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  Pope Francis   Santo Papa   religion   charity  Italy   Pope Francis charitable works  
BRAND NEWS
SOCIAL WEB
TINGNAN: Ito ang pinsalang natamo ng ilang struktura sa Barangay Poblacion Bakun sa Benguet matapos gumuho ang lupa… https://t.co/LZuWuzkPid​@jacquemanabat
28 m
JUST IN: Magnitude 4.2 quake jolts Canaman, Camarines Sur Sunday evening. No aftershocks expected. | via…
1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!