NEWS
Home  >  News
Bangkay sa kahon, natagpuan sa gilid ng Paco Park
ABS-CBN News
Posted at Jan 29 2020 09:08 AM | Updated as of Jan 29 2020 09:17 AM
Bangkay, natagpuan sa loob ng kahon sa Padre Faura St sa Paco, Maynila. pic.twitter.com/LsfrYOiHXE — Jekki Pascual (@jekkipascual) January 29, 2020
MAYNILA - Nakasilid sa kahon ang bangkay ng isang lalaki nang matagpuan ng awtoridad sa Padre Faura Street sa gilid ng Paco Park sa Maynila, Miyerkoles ng umaga.
Isiniksik sa maliit na kahon ang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng summary execution.
Watch more on iWantTFC
Unang rumesponde ang mga kawani ng Explosive Ordnance Division ng Manila Police District sa pag-aakalang bomba ang laman ng kahon.
Laking gulat nila nang tumambad ang bangkay ng lalaki nang buksan ang kahon.
Kasalukuyang pino-proseso na ng Scene of the Crime Operatives ang crime scene.
Isinara muna sa mga motorista ang naturang kalye habang patuloy ang imbestigasyon sa lugar . 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  bangkay   summary execution   Padre Faura  Maynila   Metro crime   Tagalog news  
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US