NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Mag-asawang may koneksyon umano sa Abu Sayyaf, 2 pa patay sa police op sa Parañaque
Michael Delizo, ABS-CBN News
Posted at Jun 26 2020 12:26 PM
FLASH REPORT: Patay ang 4 katao, kabilang ang mag-asawang may koneksyon umano sa Abu Sayyaf Group, matapos mauwi sa engkuwentro ang operasyon ng pulisya sa Parañaque City. | Ulat ni @michael_delizo pic.twitter.com/rTbL78RyLz — DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) June 26, 2020
MANILA — Apat ang patay, kabilang ang mag-asawang may koneksyon umano sa extremist group na Abu Sayyaf, sa operasyon ng pulisya sa Parañaque City ngayong Biyernes ng madaling-araw. 
Pinuntahan ng mga pulis na may dalang search warrant ang bahay ng mag-asawang Bensaudi Sali at Merhama Abdul Sawari sa Better Living Subdivision dahil umano sa pag-aari ng mga ilegal na armas, sabi ni Parañaque police chief Police Col. Robin King Sarmiento. 
Nagpaputok aniya ng baril ang mga tao sa loob ng bahay, dahilan para gumanti ang mga operatiba at mapatay ang mag-asawa at kanilang mga kasamang sina Rasmin Hussin at Jamal Kalliming.
Ayon sa pulisya, financial conduit ang mag-asawa ng radical organization na Daesh na nag-o-operate sa Southeast Asia. 
Sinasabing ang kanilang presensya sa Parañaque City ay may kinalaman sa pagpaplano ng terrorist activity. 
Nakuha sa lugar ang ilang baril, bala, pampasabog, at 2 watawat ng extremist armed group na Islamic State o ISIS. 
Hindi pa makumpirma kung may koneksyon din sa teroristang grupo ang 2 pang napatay sa operasyon. Nagtatrabaho sila bilang security guard sa mga pribadong establisimyento sa Parañaque. 
Nasugatan naman ang isang pulis sa parehong hita nang tamaan ng bala sa gitna ng putukan.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  TeleRadyo   tagalog news   Abu Sayyaf   ISIS  terrorist   Paranaque   encounter   barilan   crime  
SOCIAL WEB
Usap-usapan kung engaged na si Kris Aquino matapos mag-post siyang sa Instagram kasama ang dating DILG secretary na… https://t.co/01M3HmrotK​https://t.co/g0oZr1D9Il
16 m
Nagpaliwanag na ang may-ari ng bahay sa Quezon City kung saan nakaimbak ang sako-sakong barya at ilang luxury cars.… https://t.co/jpBF0hU5Kj
46 m
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!