NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Suspek patay matapos umanong manlaban sa Nueva Ecija drug-bust
ABS-CBN News
Posted at Jul 14 2021 02:27 PM | Updated as of Jul 14 2021 02:47 PM
Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Lupao, Nueva Ecija. Retrato mula sa Central Luzon police
Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Lupao, Nueva Ecija, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.
Ayon kay Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija police, nasawi sa operasyon si Sotero Baer.
Nagbebenta umano si Baer ng ilegal na droga sa ilang lugar sa probinsiya.
Nakipagkita ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer ng sachet ng hinihinalang shabu. Pero nang aarestuhin na ay bumunot umano ito ng baril at nagpaputok sa mga pulis, ayon sa mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti umano ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Nueva Ecija drug bust: Suspek patay, P1.1 milyong 'shabu' nasamsam
Narekober sa crime scene ang kalibre .38 na baril, 4 na basyo ng bala, at mga sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P40,000.
Duterte bumanat muli sa posibleng pag-imbestiga ng ICC sa drug war
— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   rehiyon   regions  regional news   Lupao   Nueva Ecija   buy-bust operation  shabu   war on drugs   drug killing   drug war  
SOCIAL WEB
Hiram Full Episode 11. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium...
27 m
Hiram Full Episode 8. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium...
1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US