NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Ilang Pinoy sa Vietnam nananawagan ng tulong dahil sa COVID-19 surge
ABS-CBN News
Posted at Jul 23 2021 01:20 PM | Updated as of Jul 23 2021 01:25 PM
Ilang Pinoy sa Vietnam nananawagan ng tulong dahil sa COVID-19 surge
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA - Nananawagan ng tulong ang ilang Pinoy sa Vietnam na apektado ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar. 
Sa panayam sa Teleradyo, ibinahagi ng Pinoy na si Claude Diaz na maraming mga Pinoy sa Vietnam ang nawalan ng trabaho dahil sa mga lockdown, na dalawang linggo nang ipinapatupad. 
"Marami tayong mga kababayan na nangangailangan ng tulong gawa nga ng nawalan sila ng trabaho. Mayroong mga kumpanya at mga paaralan especially sa mga teachers na pansamantalang nagsara kaya hindi nila maiwasang mangamba sa kanilang kalusugan at kanilang trabaho," ani Diaz, na tatlong taon nang nakatira sa Vietnam. 
Vietnam OKs AstraZeneca vaccine, cuts short Communist Party congress
Vietnam opts for containment over 'high risk' rush for costly vaccine
"Na kung hindi pa ma-lift itong mga restrictions sa kasalukuyan ay baka hindi pa sila makabalik sa trabaho," dagdag niya. 
Ibinaba ng Vietnam ang Directive 60 kung saan bawal lumabas ang kanilang mga residente maliban na lang kung essential ang pupuntahan gaya ng pamimili ng pagkain o kaya gamot.
May mga Pinoy na ring gusto nang umuwi pero naantala ang repatriation na naka-schedule noong Hulyo 21 dahil sa mahigpit na protocols ng Vietnam. 
Nakikipag-ugnayan na rin ang embahada ng Pilipinas sa pamahalaang Vietnam para mapauwi ang mga Pinoy. 
Nakararanas ngayon ang Vietnam ng pinakamalalang coronavirus disease (COVID-19) outbreak simula nang tumama ang pandemya. 
Noong Huwebes ay naitala roon ang higit 6,000 na bagong COVID-19 cases. 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog News   Teleradyo   COVID-19   Vietnam   COVID-19 outbreak   Vietnam COVID-19  OFW   Filipino workers   overseas Filipino workers   cases  
SOCIAL WEB
Energy Sec. Alfonso Cusi, nagsampa ng libel cases laban sa ilang opisyales ng ABS-CBN, Rappler, Inquirer, Philippin… https://t.co/Y3oqlxOFes​@alvinelchico
9 m
BALIKAN: Hindi magpapahuli sa mga Christmas pailaw ang tinaguriang 'City of Lights' na Paris, France. https://t.co/MwRmBBGfSw
2 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!