NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Nasa hanggang 4,000 Pinoy di makaalis pa-Hong Kong: grupo
ABS-CBN News
Posted at Aug 15 2021 01:00 PM | Updated as of Aug 15 2021 01:09 PM
Nasa hanggang 4,000 Pinoy di makaalis pa-Hong Kong: grupo
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
Tinatayang nasa hanggang 4,000 na Pilipinong nakatakdang pumunta ng Hong Kong para magtrabaho ang hindi makaalis ng bansa dahil sa isyu ng COVID-19 vaccination card, sabi ngayong Linggo ng isang grupo.
Ayon kay Bayan Hong Kong and Macau Chairman Eman Villanueva, nasa 3,500 hanggang 4,000 Filipino na magtatrabaho sana sa Hong Kong ang stranded sa Maynila at patuloy na nababaon sa utang.
Ito'y sa gitna ng patuloy na pag-uusap ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Hong Kong kaugnay sa vaccination card ng mga Pinoy.
Ipinaliwanag ni Villanueva na kasama kasi ang Pilipinas sa mga itinuturing na "high-risk country" ng Hong Kong para sa COVID-19, kaya ang mga fully vaccinated na Pinoy lang ang puwedeng makapasok ng teritoryo.
Kung binakunahan sa Pilipinas, dapat umanong makapagpresenta ang Pinoy ng vaccination record na kinikilala ng World Health Organization.
Locsin to ask Hong Kong to accept PH's COVID-19 vaccination cards
Ayon kay Villanueva, marami sa mga stranded na pa-Hong Kong ang hindi na bumalik ng probinsiya dahil umaasang agad na silang makakaalis.
Ang ilan sa mga Pinoy ay nangangambang mawalan ng trabaho dahil hindi na sila mahintay ng kanilang employer sa Hong Kong.
Marami rin umanong Pinoy sa Hong Kong ang hindi makauwi sa bansa dahil sa quarantine restrictions at nauubos na rin ang naipong pera.
Umapela si Villanueva sa gobyerno na tulungan ang mga stranded na Pinoy.
'Yellow card' na patunay ng COVID-19 vaccination may bayad na P370: BOQ
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   COVID19  vaccination   card   Hong Kong   OFWs   stranded  Teleradyo   Bayan Hong Kong and Macau  
SOCIAL WEB
It's Showtime (2/4) | December 6, 2021
Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium and Standard Subscribers...
38 m
Marami sa mga tindera at gumagawa ng mga processed meat products tulad ng hamon ang hindi nagtaas ng presyo para ma… https://t.co/ChUyHBQehA
1 m


© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!