NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Comelec patuloy na kinukumbinseng i-extend ang voter registration
ABS-CBN News
Posted at Sep 16 2021 08:12 PM
Comelec patuloy na kinukumbinseng i-extend ang voter registration
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA — Patuloy na hinihimok ang Commission on Elections (Comelec) na i-extend ang deadline ng voter registration para sa Halalan 2022, na matatapos na sa Setyembre 30.
Dalawang linggo bago ang deadline, pumunta sa opisina ng Comelec sa Quezon City ang iba't ibang youth groups para mamigay ng mga alcohol sa mga nakapila para magparehistro.
Ang kanilang mensahe sa Comelec, iurong ang deadline hanggang Enero 2022 dahil marami pa umano ang hindi nakakapagparehistro. 
Makatutulong din aniya ito para hindi dumugin ang Comelec offices ng mga nagkukumahog na qualified voters. 
"Nakakuha kami ng maraming reports from our local coordinators na grabe na 'yung pila ngayon sa Comelec, and we are concerned about the youth, 'yung exposure nila paglabas sa Comelec, so we are calling for the extension," ani Gladys Milioga, convenor ng First Time Voters Network.
"Lahat po ay may consensus na; ang kailangan na lang po ay ang Comelec na mag-decide ang act with urgency na i-extend na ang voter registration bago pa man matapos ang buwan na ito," sabi ni Justine Balane ng Akbayan Youth. 
"Magiging mahirap talaga kung hindi ie-extend dahil nga nakikita naman natin ngayon kung gaano kahaba 'yung pila, alas-5 pa lang ng hapon cut off na pero siyempre may ibang kabataan na gusto pa rin namang pumunta dito," sabi ni Alyana Lagasca ng Center for Youth Advocacy and Networking.
Isa lamang ang sektor ng mga kabataan na humihiling ng extension. Umaapela rin kasi maging ang akademya, ibang mga cause-oriented groups, pati ang Kamara at Senado.
Nauna nang iginiit ng Comelec na hindi na kayang i-extend ang voter registration dahil lubhang maapektuhan ang kanilang preparasyon para sa halalan gaya ng pag-imprenta ng balota at deployment ng election supplies at equipment.
Sa halip, pinalawig na lamang ang registration hours.
Ayon naman kay Commissioner Rowena Guanzon, karamihan sa Comelec en banc ay hindi na pabor na i-extend pa ang deadline ng voter registration bagama't tatalakayin pa umano nila ang resolusyon ng Senado.
Sa ngayon, nasa 62 million na ang nakapagparehistro para sa halalan. Pero ayon sa ilang grupo, lagpas 70 milyon ang kalipikadong magparehistro batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
—Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News 
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPh   Tagalog news   balita   TV Patrol   TV PATROL TOP   halalan   halalan 2022   halalan2022  #halalan2022   Comelec   Commission on Elections   voter registration  
SOCIAL WEB
Hiram Full Episode 11. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium...
35 m
Hiram Full Episode 8. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium...
1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!