NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Paano boboto sa #Halalan2022 ang mga may COVID-19?
ABS-CBN News
Posted at Sep 17 2021 08:57 PM
Paano boboto sa #Halalan2022 ang mga may COVID-19?
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA — Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa Commission on Elections (Comelec) na mag-isip ng alternatibong paraan ng pagboto ang mga may COVID-19 na nasa isolation o medical facilities.
Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, tutol sila sa pagpapalabas ng mga COVID-19 positives para makaboto. 
"Ang DOH hindi inirerekomenda na ang COVID positive patients ay lalabas sa kanilang isolation, dahil baka makahawa ng iba... Sana Comelec will have an alternative way for voting for COVID positive cases; baka puwedeng virtual or through SMS (text)," sabi ni Vergeire.
Sa tugon ng Comelec sa DOH, nilinaw ng komisyon na hindi naman talaga nila hinihikayat palabasin ang mga may COVID-19 para bumoto.
"The idea of requiring such persons to leave their isolation facilities was never really on the table," ani Comelec spokesperson James Jimenez. 
Sa ngayon, wala pang batas na nagpapahintulot sa ibang mga paraan ng pagboto.
Tila napakamot-ulo naman si dating Comelec Commissioner Luie Guia dahil dapat sa unang bahagi pa lang ng 2020 ay ginawa nang prayoridad ng Kongreso ang pagpapasa ng batas para sa mga alternatibo at ligtas na paraan ng pagboto sa gitna ng pandemya.
"Law proposals on these matters should have been prioritized by Congress as early as April 2020 last year as we knew the pandemic will reach election," sabi niya. 
Ang nasa "new normal" guidelines pa lang ng Comelec sa ngayon ay ang pagtatalaga ng isolation polling places sa araw ng halalan para doon boboto ang mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
—Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPh   Tagalog news   balita   TV Patrol   TV PATROL TOP   Comelec   halalan   halalan 2022  #halalan2022   COVID-19   coronavirus voting   covid voting   DOH   Comelec  
SOCIAL WEB
BRGY Full Episode 7. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium and...
8 m
BRGY Full Episode 6. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium and...
13 m
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!