NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
LGBT community members, posibleng target ng pambobomba sa Maguindanao
ABS-CBN News
Posted at Sep 20 2021 01:42 PM
MAGUINDANAO — Posible umanong “hate crime” laban sa mga miyembro ng LGBT community ang nangyaring pambobomba nitong Sabado sa bayan ng Datu Piang sa lalawigang ito, ayon sa tagapagsalita ng lokal na unit ng militar.
“We found out na itong mga kabataan na miyembro ng LGBT sa Datu Piang ay naka-receive ng death threats from BIFF-Karialan faction, na sila ay binabantaan na sasaktan ng nasabing grupo kung hindi nila ide-denounce yung kanilang affiliation sa LGBT,” sabi ng spokesperson ng 6th Infantry Division na si Lt. Col. John Paul Baldomar.
Sugatan ang walong indibidwal matapos ang nangyaring pambobomba sa covered court sa plaza ng Datu Piang habang ginaganap ang isang volleyball tournament noong Sabado ng hapon.
8 injured in IED blast in Maguindanao
Anim ang na-admit sa ospital, kung saan isa ang kritikal ang kalagayan.
Ang natitirang dalawa naman ay may mga galos at kaunting sugat.
Ang mga biktima ay mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.
Sabi ni Baldomar, patuloy ang pagtugis sa mga miyembro ng BIFF, na tuloy-tuloy ang operasyon sa ilang bayan sa Maguindanao simula pa noong mga nakaraang buwan.
--ulat ni Chrislen Bulosan
FROM THE ARCHIVES
AFP, ilang tauhan ng BIFF nagsagupaan sa Maguindanao
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
Read More:  Maguindanao   Datu Piang   LGBT   lesbian gay bisexual transgender   hate crime   Bangsamoro Islamic Freedom Fighters   BIFF   explosion   IED blast   pagsasabog  bomba   pambobomba  
SOCIAL WEB
Energy Sec. Alfonso Cusi, nagsampa ng libel cases laban sa ilang opisyales ng ABS-CBN, Rappler, Inquirer, Philippin… https://t.co/Y3oqlxOFes​@alvinelchico
1 h
BALIKAN: Hindi magpapahuli sa mga Christmas pailaw ang tinaguriang 'City of Lights' na Paris, France. https://t.co/MwRmBBGfSw
3 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!