NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
30 paaralan tiyak nang lalahok sa pilot face-to-face classes: DepEd
ABS-CBN News
Posted at Oct 19 2021 07:26 PM | Updated as of Oct 19 2021 08:07 PM
Naglagay ng barrier sa pagitan ng mga upuan at alcohol ang Mary Perpetua E. Brioso National High School sa Milagros, Masbate bilang hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19. Isa ang paaralan sa mga lalahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa susunod na buwan. Retrato mula kay Arnel Alba
Sa Barangay Tigbao sa Milagros, Masbate — kung saan walang kaso ng COVID-19 — matatagpuan ang Mary Perpetua E. Brioso National High School.
Isa ito sa mga paaralang lalahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes simula Nobyembre 15.
Naglatag na ang paaralan ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, gaya ng pagpapatupad ng polisiyang "no face mask, no face shield, no entry."
May mapa rin ang paaralan para gabayan ang mga estudyante at guro sa entry at exit points, at may palatandaan kung nasaan ang mga classroom ng bawat grade level.
"Dati po wala po niyang mga cubicle na iyan [sa classroom]. Ngayon, mayroon na po para maiwasan ng mga bata na mag-usap-usap sila," ani Arnel Alba, officer-in-charge ng paaralan.
"Sa classroom, mayroon din po kaming first aid kit, alcohol at face mask," dagdag niya.
Kaliwa't kanan din ang handwashing areas at may sariling palikuran ang mga classroom.
"Prepared na po ang ating school at sinigurado po namin iyong safety and security ng bawat learners," ani Alba.
Watch more on iWantTFC
Ayon sa Department of Education (DepEd), sa 59 paaralan na tinukoy ng Department of Health (DOH) para sa pilot implementation, 30 ang tiyak na makakasali matapos pumasa sa assessment ng ahensiya.
30 schools so far joining pilot run of limited in-person classes: DepEd
Pero target pa rin ng DepEd na makumpleto ang 100 public schools at 20 private schools para sa pilot implementation.
May posibilidad pa rin umanong maisama ang mga Metro Manila school sa papayagang face-to-face classes, bagaman aminado ang ahensiyang nasa Alert Level 1 at 2 ang lokasyon ng karamihan sa mga paaralang pasado sa assessment.
"Para ma-achieve natin iyong gusto nating malaman sa pilot, it would be good to have information as to how it works in urban-based schools like [National Capital Region]," sabi ni Education Secretary Leonor Briones.
Bukod sa 120 paaralan sa pilot implementation, puwede na ring mag-in-person classes ang international schools.
Kailangan lang aprubahan ng DepEd, DOH at Inter-Agency Task Force ang proposal ng mga international school. Nasa mga paaralan ang full responsibility at accountability.
Iginiit naman ng Teachers' Dignity Coalition na dapat lumagda ang DepEd sa dokumentong nagsasabing tutulong o mananagot ito sakaling magkaroon ng hawahan ng COVID-19 sa paaralan.
DepEd urged to ensure help if teachers catch COVID during pilot physical classes
Una nang sinabi ng DOH na susunod pa rin sa proseso ng testing, tracing at isolation sakaling may COVID-19 case sa paaralan.
Pinamamadali na rin ang pagbabakuna sa mga school personnel, prayoridad ang mga lalahok sa nalalapit na pilot implementation.
— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   education  Department of Education   face-to-face classes   pilot implementation   School Year 2020-2021   distance learning  
SOCIAL WEB
Salamat sa Iyong pagmamahal, Panginoon. 🙏 https://t.co/7i1NHzCc0q
53 m
TODAY'S : Fewer than 25,000 daily tally; peak of cases in NCR; updates from other countries (January 24… https:
6 h


© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!