NEWS
Home  >  News
Tulong hatid sa mga taga-'Barrio Bisaya' sa Bulacan
ABS-CBN News
Posted at Nov 01 2021 04:51 PM | Updated as of Nov 01 2021 07:34 PM
Watch more on iWantTFC
Dahil sa kawalan ng trabahong dulot ng community quarantine, pagtitinda ng saging ang pinagkakakitaan ngayon ni Bartolome Sarco sa lugar na binansagang "Barrio Bisaya" sa Barangay Tungkong Mangga sa San Jose del Monte, Bulacan.
Marami sa mga taga-Barrio Bisaya ay mga dating construction worker na lumipat sa pagsasaka para may pantustos sa pamilya.
"Kung walang trabaho sa construction, gutom ang aabutin mo kaya nagsisikap kami na magtanim," ani Sarco.
Pero pahirapan din ang pagbenta ng mga produkto ng mga magsasaka.
"Ang tanim namin, bagsak-presyo dahil walang bumibili," ani Sarco.
"Malaki 'yong pinagkaiba kaysa noong una. Ang laki ng nabawas na kita 'yong pag-deliver," sabi naman ni Zaldy Glee, purok leader sa Barangay Tungkong Mangga.
Sa tulong ng local government unit ng San Jose del Monte, namigay ng ayuda ang ABS-CBN Foundation sa mga taga-Barrio Bisaya.
Kasama sa mga naipamahagi ang supply ng bigas, mga de-lata at hygiene kits.
"Malaking bagay na 'yon sa taga-nandito... Maka-survive nang 1 o 2 linggo," sabi ni Sarco.
Pilipino para sa Pilipino: Bagong yugto ng 'Pantawid ng Pag-ibig' umarangkada na
— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   public service  coronavirus public service   ABS-CBN Foundation   Pantawid ng Pag-ibig   Lingkod Kapamilya   Barrio Bisaya   San Jose del Monte   Bulacan   Covid-19 pandemic   hanapbuhay  
Social Web
Menu
Loading News
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US