NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
5 patay sa pamamaril, pagsabog sa Camarines Sur
ABS-CBN News
Posted at Nov 06 2021 09:55 AM | Updated as of Nov 06 2021 10:41 AM
Pinagbabaril at hinagisan pa ng granada ng suspek ang mga bahay ng mga biktima. Tinitingnang anggulo ng pulisya ang away sa lupa bilang motibo sa insidente. Larawan mula kay Gelo Abugao
Lima ang patay matapos paulanan ng bala ang dalawang bahay sa Barangay Tarusanan sa Milaor, Camarines Sur, Biyernes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo de Leon, 72-anyos, dalawa nitong apo na edad 6 at 4, kapitbahay niyang si Samuel Cobilla, 21, at isang 7-taong gulang na bata.
Nag-ugat sa pinutol na puno: Lalaki patay sa pamamaril ng pamangkin sa Capiz
Isa pang menor de edad ang nasugatan sa insidente.
 
Ayon kay Capt. Rosalinda Moises, hepe ng Milaor Municipal Police Station, nasa loob ng bahay ang mga biktima nang biglang dumating ang suspek at pinagbabaril ang mga ito gamit ang isang M16.
Unang pinasok ang bahay ng pamilya De Leon at sinunod ang kapitbahay kung saan may hinagis pang granada.
Patuloy na pinaghahanap pa ang suspek na ayon sa pulisya ay kaanak ng mga biktima.
Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo ng suspek sa krimen, ayon sa pulisya.
- Ulat ni Karren Canon
Read More:  Camarines Sur   pamamaril   krimen   away sa lupa   crime Camarines Sur  
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!