NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
2 suspek arestado sa pagpatay sa lalaki sa loob ng simbahan
ABS-CBN News
Posted at Nov 08 2021 04:57 PM
PLACER, Masbate — Nasa kustodiya na ng pulisya nitong Lunes ang 2 suspek sa pagpaslang kay Arnel Delapoz, ang driver at cook ng Our Lady of Remedies Parish Church na natagpuang patay noong Nobyembre 4 sa Masbate.
Ayon kay Police Maj. Aldrin Rosales, hepe ng Placer police, nahuli ang mga suspek noong Linggo.
Parehong nagtitinda sa simbahan ang mga suspek na natugis sa tulong ng CCTV.
Nakapasok umano ang mga salarin sa kuwarto ni Delapoz matapos umakyat sa pader at dumaan sa terrace ng simbahan.
Duguan at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto si Delapoz na may mga saksak.
Pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa insidente.
"Robbery po talaga ang motive kaya lang nagising ang victim kaya sinaksak ng isa sa mga suspects," sabi ni Rosales.
Kasong robbery with homicide ang haharapin ngayon ng mga suspek.
—Ulat ni Karren Canon
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPh   Tagalog news   balita   rehiyon  region   regional news   regional   RNG   krimen   crime  Masbate   Placer   robbery   homicide  
SOCIAL WEB
Mga tumatakbo para sa pagkapangulo sa #Halalan2022, ano ang 'Panata sa Bayan'?

Abangan ang unang KBP Presidential… https://t.co/haIDR4Ybjf​https://t.co/ICNOS6ez6d
4 h
Watch The Broken Marriage Vow 'Suspicious Wife' episode's most trending scenes! Subscribe to the ABS-CBN Entertainment channel! http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment Watch full episodes on...
20 m
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!