NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
P600,000 pabuya alok para matukoy ang pumatay sa 5 magkakamag-anak sa CamSur
ABS-CBN News
Posted at Nov 08 2021 04:50 PM | Updated as of Nov 08 2021 05:39 PM
Pinagbabaril at hinagisan ng granada ng suspek ang mga bahay ng mga biktima. Tinitingnang anggulo ng pulisya ang away sa lupa bilang motibo sa insidente. Larawan mula kay Gelo Abugao
Aabot sa P600,000 ang alok na pabuya para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng pumatay sa 5 magkakamag-anak sa Milaor, Camarines Sur.
Nasa P100,000 ang pabuyang alok ng lokal na pamahalaan ng Milaor sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek sa insidenteng nangyari noong Biyernes sa Barangay Tarusanan.
May alok ding P500,000 pabuya si dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.
Ayon kay Milaor police chief Capt. Rosalinda Moises, nasa loob ng bahay ang mga biktima nang dumating ang suspek at pinagbabaril ang mga ito gamit ang isang M16 rifle.
Unang pinasok ang bahay ng pamilya De Leon at sinunod ang bahay ng kapitbahay nila, na hinagisan ng granada.
Tatlo sa mga namatay ay mga bata.
5 patay sa pamamaril, pagsabog sa Camarines Sur
Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen.
— Ulat ni Karren Canon
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   rehiyon   regions  regional news   krimen   Milaor   Camarines Sur   pabuya  
SOCIAL WEB
"Wherever you are in the world, you can help us feed Typhoon Odette victims. Donate via YouTube here: https://bit.ly/TulongTulongSaPagAhon" Stream it on demand and watch the full episode...
31 m
Landbank President & CEO Cecilia Borromeo said the bank will "actively participate" in NBI's probe on the alleged p… https://t.co/MKjE1OWdoH
1 h


© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!