NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
15 anyos natagpuang patay, posibleng ginahasa; tanod itinuturong suspek
Dennis Datu, ABS-CBN News
Posted at Nov 09 2021 06:17 PM | Updated as of Nov 09 2021 08:46 PM
15 anyos natagpuang patay, posibleng ginahasa; tanod itinuturong suspek
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA — Natagpuang patay sa gubat at hinihinilang ginahasa ang isang 15 anyos na estudyante sa Laurel, Batangas na nagtungo lamang sa kaklase para umano mag-aral ng module.
Nagsusumamo ng katarungan si alyas "April," kapatid ng biktimang si alyas "Jenny."
Natagpuan noong Lunes ng gabi si Jenny na hubo’t hubad at wala ng buhay sa magubat na bahagi ng Barangay Sta. Maria.
May takip na damit ang mukha ni Jenny at kalapit ng bangkay niya ang kaniyang module.
May bakas ng sakal ang biktima at hinihinalang ginahasa pa.
Umaga ng Lunes nang magtungo ang biktima sa kaklase para gumawa ng module. Nang pauwi na, dumaan muna siya sa kanilang alagang baka para pakainin ito.
Pero nagtaka na ang kaniyang kapatid dahil gabi na ay hindi pa umuuwi ang biktima kaya nagsimula na silang maghanap.
"Sana po makonsensiya siya, panagutan siya ginawa niya, ang bata-bata pa ng kapatid ko," ani April. 
Arestado nitong Martes ng hapon ang sinasabing suspek, na isang barangay tanod.
 
Itinanggi niya ang paratang sa kaniya.
Ayon sa Laurel police, may hawak silang testigo na nagtuturo sa suspek.
"Matibay po kasi sabi niya nakita niya 'yung biktima na kasama ng suspek," ani Police Capt. Errol Frejas, hepe ng Laurel police.
Hindi pa malinaw kung makakauwi ang ina ng biktima na isang OFW sa Saudi Arabia.
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPh   Tagalog news   balita   rehiyon  region   regional news   regional   crime   krimen   rape   slay  Batangas   Laurel  
SOCIAL WEB
Narito ang paliwanag ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kung bakit hindi dadalo ang… https://t.co/r3655AYuRa​@jacquemanabat
5 h
The bout for the WBC world featherweight title on Sunday morning (Manila time) is on!

7 h


© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!