NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Pagpapatupad ng curfew suspendido na sa Cavite
Michael Delizo, ABS-CBN News
Posted at Nov 10 2021 01:51 PM

Suspendido na ang pagpapatupad ng curfew hours sa lalawigan ng Cavite ngayong bumababa na rin ang mga kaso ng COVID-19.
Sa Facebook post noong Martes ni Cavite Board Member Kevin Anarna, inanunsiyo niya ang pansamantalang suspensiyon ng Provincial Ordinance No. 268-2020 o ang pagpapatupad ng curfew hours mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
“Pinapaalala pa rin po natin na palagi pong mag-ingat at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno. Ang pagluwag ng mga alituntunin ay hindi po nangangahulugan na wala na po ang COVID-19,” ani Anarna.
Iba-ibang lokal na pamahalaan din ang naglabas ng kaparehong anunsiyo.
Samantala, binawi na rin ang liquor ban sa Tagaytay City, na naunang ipinatupad noong Oktubre 16.
Sa executive order na pirmado ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, sinabing wala nang liquor ban sa lungsod ngayong gumaganda ang sitwasyon sa COVID-19.
Nasa 1,003 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Cavite, ayon sa huling tala ng Department of Health-Calabarzon.
PH logs 1,409 new COVID cases, lowest since mid-Feb.
RELATED VIDEO
Publiko pinag-iingat sa paglabas ng bahay ngayong Alert Level 2
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   rehiyon   regions  regional news   Cavite   curfew   health protocols   COVID-19 restrictions   COVID-19   coronavirus   liquor ban   Tagaytay City  
SOCIAL WEB
Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ang COVID-19 omicron subvariant na na-detect sa Denmark. Sinasabing mas nakaha… https://t.co/pdyic048sZ​https://t.co/sb5cz5qqhE
12 m
#ABSCBNFactCheck

Hindi totoong pinaglagyan ng pintura ang mga timbang ipinamigay sa programa ng Offi… https://t.co/6pXIV3GZLW
43 m
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!