NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Nangangalakal ng basura, patay sa pamamaril sa Quezon City
Lyza Aquino, ABS-CBN News
Posted at Nov 11 2020 06:01 AM
MAYNILA - Dead on the spot ang isang lalaki matapos siya pagbabarilin sa gilid ng Martan St. Brgy. Commonwealth, Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si William Razon na mangangalakal ng basura.
Mangangalakal ng basura, patay sa pamamaril sa Brgy Commonwealth Quezon City @ABSCBNNews​@DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/DJ9NDh85AW — Lyza Aquino (@LyzaAquinoDZMM) November 10, 2020
Ayon sa mga kaanak, nakulong na dati ang biktima dahil sa kasong murder.
Mag-aala una ng madaling araw nang pagbabarilin si Razon ng isang hindi pa nakikilalang salarin.
Hindi bababa sa 6 na putok ng baril ang narinig ng mga residente.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Inaalam pa ang motibo sa likod ng pamamaril.
Nakalap ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang hindi bababa sa limang basyo at isang bala mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril.
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  mangangalakal   Commonwealth   Quezon City  QC   crime   murder   shooting   killing   scavenger  TeleRadyo   Tagalog news  
SOCIAL WEB
UPDATED: Energy Sec. Alfonso Cusi files libel cases vs officials of ABS-CBN, Rappler, Philippine Star, PH Business… https://t.co/7HmtDqXZjO​@alvinelchico
1 h
Energy Sec. Alfonso Cusi, nagsampa ng libel cases laban sa ilang opisyales ng ABS-CBN, Rappler, Inquirer, Philippin… https://t.co/Y3oqlxOFes
1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!