NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
NEDA: Alert Level 1 sa NCR posible sa Disyembre kung bubuti ang COVID-19 cases
ABS-CBN News
Posted at Nov 13 2021 07:15 PM | Updated as of Nov 14 2021 11:00 AM
NEDA: Alert Level 1 sa NCR posible sa Disyembre kung bubuti ang COVID-19 cases
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA—Posibleng ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila sa Disyembre kung magpatuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon. 
“Kailangan ‘yung low risk ng National Capital Region, for example, kailangan ma-sustain natin ito ng 2 incubation period," ani Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 
“Kailangan natin panatilihin na mababa siya for the next siguro 1 week. Ituloy-tuloy natin iyang ano na iyan, kasi on the 15th actually, magkakaroon ng another determination ang data analytics. Isa sa mga titingnan namin, yes, the number of cases. Next is iyong 2-week growth rate, we want it negative, ibig sabihin patuloy ‘yung pagbaba ng kaso. So kung mapapanatili iyon, puwede nating maipapababa to Alert Level 1 by December,” sabi naman ni Undersecretary Rosemarie Edillion ng National Economic and Development Authority.
Ayon sa ulat ng OCTA Research, 427 ang average na COVID-19 cases sa NCR kada araw. 
Bumaba ito nang 5 porsiyento kumpara sa nakalipas na linggo. 
Pero mababa rin ang testing sa NCR. 
Kung ipapatupad ang Alert Level 1, papayagan sa unang pagkakataon ang operasyon ng lahat ng establisimyento. 
Papayagan din ang pagbiyahe at iba pang aktibidad nang walang limitasyon sa bilang ng tao o edad. 
Very low risk naman ang mga karatig-lugar na Cavite, Laguna, Bulacan, at Pampanga. 
Nananatili ring high risk ang Negros Oriental na may mataas na healthcare utilization rate. — Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  Metro Manila   Alert Level 1   Department of Health   NCR   OCTA Research   testing output   COVID-19  coronavirus  
SOCIAL WEB
"Wherever you are in the world, you can help us feed Typhoon Odette victims. Donate via YouTube here: https://bit.ly/TulongTulongSaPagAhon" BRGY Full Episode 72. Stream it on demand and...
50 m
Rica (Charlie Dizon) says sorry to Kyle (Joshua Garcia). Wherever you are in the world, you can help us feed Typhoon Odette victims. Donate via YouTube here: https://bit.ly/TulongTulongSaPagAhon...
5 h
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!