NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Mga pamilya, dagsa sa mga mall habang Alert Level 2 ang Metro Manila
ABS-CBN News
Posted at Nov 14 2021 05:59 PM | Updated as of Nov 14 2021 09:13 PM
Mall-goers take pictures inside the Christmas lights tunnel during the ceremonial lighting of the gigantic floating Christmas tree at the Venice Grand Canal Mall in Taguig City on November 12, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA — Dagsa na ang mga pamilya sa mga mall at tourist spot sa gitna ng pananatili ng Metro Manila sa Alert Level 2 at ilang mga karatig bayan nito hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Kapansin-pansin ang pagdayo ng mga pamilya kasama ang mga bata tulad na lamang ng mga apo ni Alma.
“Napakasaya ngayon kasi ‘yung mga bata enjoy na enjoy kaya talagang sinusulit namin. Every weekend gusto namin lagi kami nandito,” aniya. 
Ilang mga kabataan ang pumupunta sa mga arcade facility o kaya naman ay salu-salong kumakain, tulad nina Sheryl na piniling mag-Samgyup para sa kanilang bonding experience.
“Yes, this is the first time. So, s’yempre kasi mayroong bata so this is the first time and we’re very happy …Hindi pa rin complacent because the virus is still there,” aniya. 
Ilang Pilipino rin tulad ni Lola Venus ang piniling manood sa sinehan. 
“Ilang taon na akong naka-ano sa bahay, na-stuck up … Pakiramdam ko masaya saka parang malayang malaya. … Oh, mga senior! Lumabas na kayo. Enjoy tayong lahat,” aniya. 
Watch more on iWantTFC
Maliban sa mga indoor store, pinapayagan kahit hindi naka-face shield sa mga mall dahil malaking bahagi nito ay outdoor o open space.
Para kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, hindi na kailangan magsuot ng face shield. 
“Kawawa naman ang iba na nahihirapan naman sa face shield. Biro mo may eyeglasses ka, may face shield ka, may mask ka. Mahihirapan ka to move around. And of course, sometimes face shields are not clear,” aniya.
Isinusulong din ni Concepcion na ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila sa Disyembre, sa ilalim nito papayagan na ang lahat ng economic activities na walang limitasyon sa edad at bilang ng tao. 
“December 1, we should be already in Alert Level 1 and kaya naman natin iyan. While we continue to go down in cases, and we’re recommending Alert Level 1, vigilance is important. Wearing of masks is so important.”
—Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog News   TV Patrol   COVID-19   coronavirus   Alert Level 2   Metro Manila  
SOCIAL WEB
Salamat sa Iyong pagmamahal, Panginoon. 🙏 https://t.co/7i1NHzCc0q
24 m
TODAY'S : Fewer than 25,000 daily tally; peak of cases in NCR; updates from other countries (January 24… https:
6 h


© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!