NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
P2-M pabuya alok kaugnay sa pagpatay sa anak ng Cagayan de Oro congressman
ABS-CBN News
Posted at Nov 17 2021 01:38 PM
P2-M pabuya alok kaugnay sa pagpatay sa anak ng Cagayan de Oro congressman
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
Nag-alok ng P2 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro para sa makapagtuturo sa pumaslang sa anak ni 1st District Rep. Rolando Uy.
Pinatay si Roland Sherwin Uy, na isa ring barangay kagawad sa lungsod, nang pagbabarilin habang nasa quarry site noong Nobyembre 11.
"I am announcing that the City Government of Cagayan de Oro is offering a cash reward of Two Million Pesos to anyone who can give information that would lead to the identification, arrest and prosecution in court of those responsible for the killings," sabi ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno sa isang pahayag.
Sa parehong pahayag, mariing kinondena ni Moreno, na malapit na kaalyado ng mga Uy, ang pagpatay.
Son of Cagayan de Oro solon shot dead; quarry area caretaker also killed
Nagtamo ng 6 na tama ng bala sa katawan si Uy. Napatay din sa insidente ang caretaker ng quarry.
Ayon sa imbestigasyon, isang nagpakilala umanong kostumer ang bumaril sa dalawa. Naniniwala ang mga awtoridad na may kasabwat ang gunman.
Nauna nang inihayag ni Philippine National Police chief Lt. Gen. Dionardo Carlos na inutos na niya ang malalim na pag-imbestiga sa pagpatay kay Uy.
PNP vows swift probe into cases of election-related violence
— Ulat ni PJ dela Peña
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  PatrolPH   Tagalog news   rehiyon   regions  regional news   Cagayan de Oro   Roland Sherwin Uy  krimen   reward   pabuya   Rolando Uy   crime investigation  
SOCIAL WEB
ABS-CBN News
@ABSCBNNews
Anumang pagsubok ang harapin, sa Iyo kami kumakapit. Nawa'y gabayan Mo kami sa araw-araw, Panginoon. 🙏 https://t.co/8WeXFZ5HH8
ABS-CBN News
@ABSCBNNews
#OnThisDay in 2020: Nagulat ang buong mundo sa pagkamatay ng basketball icon na si Kobe Bryant, anak nitong si Gian… https://t.co/hgK6WXEErs
2 h
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!