NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Budget deliberation suspendido muna matapos magpositibo sa COVID si Lorenzana
Johnson Manabat, ABS-CBN News
Posted at Nov 17 2021 11:53 PM | Updated as of Nov 18 2021 08:16 AM
MAYNILA—Nagdesisyon na ang Senado na pansamantalang itigil ang budget deliberation na naka-schedule sana ngayong Huwebes, Nobyembre 18.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana na isa sa mga bisita sa plenary debates nitong Martes para sa panukalang budget ng Department of National Defense.
Sabi ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, magsasagawa na rin muna ng disinfection sa Senado at isasailalim sa RT-PCR testing ang mga nagkaroon ng close contact kay Lorenzana.
Defense chief Lorenzana says he tested positive for COVID-19 anew, is asymptomatic
Muling ipagpapatuloy ang deliberasyon sa 2022 proposed national budget na nagkakahalaga ng P5.024-trillion sa Lunes, Nobyembre 22.
Defense Secretary Lorenzana tests positive for COVID-19
"We were informed today. To play safe we will suspend budget deliberations until all those who were exposed to him yesterday will have an RT-PCR test by Saturday or Sunday. Then we resume on Monday," ani Sotto.
Gagawin na ring mas mahigpit ng Senado ang protocol nila sa mga dadalo sa session.
"Gawin na nating mahigpit ngayon, 24-hours . . . This is going to be the new protocol by the Senate. You cannot enter the Senate if you do not have a swab-PCR test or swab-antigen within 24 hours," ani Sotto.
Dagdag pa ni Sotto, kapag galing sa abroad, mas makabubuting mag-home quarantine muna sa loob ng 10 o 14 araw depende sa protocol ng Inter-Agency Task Force para masigurong ligtas sa COVID-19.
Pinayuhan din ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na kasama ni Lorenzana o nakasalamuha nito na magpa-swab test na rin.
Lorenzana says was urged by China to drop review of Mutual Defense Treaty
Ito na ang ika-2 beses na nagpositibo sa COVID-19 si Lorenzana. Una nang nagka-COVID-19 ang kalihim noong Abril 2021.
KAUGNAY NA VIDEO
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  Senado   Senate   Senate budget deliberations  Tito Sotto   Delfin Lorenzana   COVID-19   coronavirus  Tagalog news  
SOCIAL WEB
Rica (Charlie Dizon) says sorry to Kyle (Joshua Garcia). Wherever you are in the world, you can help us feed Typhoon Odette victims. Donate via YouTube here: https://bit.ly/TulongTulongSaPagAhon...
1 h
Audrey (Maxene Magalona) finds out about Troy (Jake Cuenca). Wherever you are in the world, you can help us feed Typhoon Odette victims. Donate via YouTube here: https://bit.ly/TulongTulongSaPagAhon...
1 h
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!