NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Payo ng mga doktor hihintayin kaugnay ng polisiya hinggil sa mga bata sa NCR malls
ABS-CBN News
Posted at Nov 18 2021 02:52 PM
Nakapila ang ilang pamilya sa labas ng isang mall sa Pasay City noong Nobyembre 6, 2021, ang unang weekend matapos payagan ang mga bata sa mga pasyalan sa ilalim ng Alert Level 2. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA - Hinihintay ng mga alkalde ng Metro Manila ang rekomendasyon ng kanilang mga health expert bago magbaba ng polisiya hinggil sa pagpunta ng mga hindi bakunadong bata sa mga pampublikong lugar gaya ng mga mall. 
Duterte: LGUs need to impose age restrictions at malls
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng mga eksperto kung dapat pagbawalan sa mga mall ang mga batang 12 anyos pababa. 
Watch more on iWantTFC
Handa aniya silang ipatupad ang mga patakaran, pero dapat uniform o iisa lang ang polisiya sa buong Metro Manila. 
"We can always adjust, lahat ng LGUs. Dapat magkaroon ng isang unified stand ang Metro Manila. Hindi naman pwedeng ang ibang lungsod ay mas mahigpit, ang iba naman ay mas maluwag," ani Zamora. 
"Sapagkat lilipat lang ang mga kabataan sa mga lugar na mas maluwag, at magiging problema sa amin 'yun sa pagpapatupad," dagdag niya. 
Nakatakdang magpulong ang mga alkalde gabi ng Huwebes para pag-usapan ito. 
Maaalalang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang public address na ingatan ang paglabas lalo na kung may kasamang bata, matapos ang napapabalitang bata na nagpositibo sa COVID-19 test matapos magpunta sa mall. 
Hinimok niya ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng polisiya tungkol dito. 
Pagdating sa mga menor de edad, mga batang 12 hanggang 17 anyos lang ang pinapayagan sa ngayong magpabakuna kontra COVID-19. 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  Metro Manila   COVID-19   coronavirus  Francis Zamora   Metro Manila malls   Alert Level 2   minors in malls   children in malls   kids in malls  
SOCIAL WEB
46 m
54 m
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!