NEWS
Home  >  News
Hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa EDSA-Makati
Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Posted at Dec 11 2020 08:18 AM
Watch more on iWantTFC
TeleRadyo
MAYNILA - Natagpuan sa gilid ng EDSA sa Barangay Magallanes, Makati ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution o salvage Huwebes ng gabi.
Binalutan ng kulay asul na plastic bag ang sugatang biktima na nakasuot lang ng maong shorts.
May nakapulupot din sa leeg niya na electrical cord.
Gaya ng mga dating biktima ng salvage, may iniwang papel sa tabi ng bangkay na sinulatan ng “Snatser, magnanakaw, mandurukut ako, wag tularan.”
The corpse--whose head was wrapped with a plastic bag--was accompanied by a description of the man as a criminal: "Snatcher, magnanakaw, mandurukot ako, wag tularan"

Both the head wrap & paper message are common to summary killings.

(📸: Ferdinand Lim) pic.twitter.com/90wTD9dW8D — Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 10, 2020
Walang pagkakakilanlan ang lalaki na tinatayang nasa edad 30-40.
Ayon kay Police Staff Sgt. John Patrick Balugod ng homicide section ng Makati Police, unang ipinaalam ng concerned citizens sa Pasay police ang bangkay na inakalang nakahiga lang sa may sidewalk sa EDSA northbound sa tapat ng kanto ng Evangelista.
Pero nang ipasa sa Makati police at dumating sa crime scene, wala nang nakitang mga witness.
Noong Dec. 4 naman, isang linggo ang nakararaan, natagpuan din ang 2 bangkay ng umano’y summary executions sa magkaibang bahagi ng Osmeña Highway sa Makati rin.
The corpses of 2 men, both with hands tied, were discovered at separate areas of Osmeña Highway in Makati City.

One of the victims was reportedly seen being shot multiple times after alighting from a motorcycle.

(Contributed photos) pic.twitter.com/lLgh4jrQDn — Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 3, 2020
Nakagapos naman ng cable wire ang 2 lalaki na wala ring pagkakakilanlan noong unang imbestigahan.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  summary killing   summary execution   salvage  Makati City   EDSA   Magallanes   TeleRadyo   Tagalog news  
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US