NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Abizo OFW app inilunsad kontra pang-abuso sa migrant workers
ABS-CBN News
Posted at Sep 12 2021 03:57 PM
Abizo OFW app inilunsad kontra pang-abuso sa migrant workers
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA - Umaabot ng 12 oras ang trabaho ni Almedo Lopez sa Fiji Islands at nakaranas pa siya ng verbal abuse at professional harassment.
Nang hindi na matiis ang pangaabuso, humingi ng tulong si Lopez sa pamamagitan ng Abizo OFW app.
"Mabilis po, hindi po isang araw, hindi isang oras, kaagad sumagot po ang Abizo OFW app. Hindi po robot, kundi tao po ang sumagot.
Ginabayan po ako sa buong proseso," aniya sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo ngayong Linggo.
"Matapos humigit kumulang 1 week, nakatanggap na po ako ng repatriation notice mula sa POEA."
May emergency red button ang app kung saan maaaring makipag-usap sa 24/7 support ang mga overseas Filipino workers, ayon kay Jeffrie Busog, implementation officer for advanced abilities ng nasabing app.
"Ang layunin po nito is ma-monitor po talaga at mabigyan ng agarang tugon ang mga OFWs natin, lalo na kung sila ay nasa isang emergency situation," aniya.
Nasa 13,000 OFWs na ang namo-monitor nito at bukod sa emergency support ay mayroong monthly surveys at history reports kung saan maaaring isumbong ng mga manggagawa ang pangaabuso sa kanila.
Maaaring i-download ang app mula sa Google Playstore at App Store.
Read More:  Abizo OFW app   OFWs   overseas Filipino workers   distressed OFWs   abused OFWs  
SOCIAL WEB
Sa Kapamilya Online Live Global, always on ang saya dahil mapapanood ang Kapamilya favorites, classic movies and teleseryes, YouTube exclusives and more ng libre, 24/7 Selected shows are...
1 h
Always on ang saya sa Kapamilya Online Live Global! Libre mong mapapanood ang mga Kapamilya favorites, classic movies and teleseryes, YouTube exclusives and more! Selected shows are also...
1 h
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!