NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Health workers na tinamaan ng COVID sa Lung Center, nasa 36 na
ABS-CBN News
Posted at Sep 21 2021 10:35 AM
Health workers na tinamaan ng COVID sa Lung Center, nasa 36 na
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA - Nagkukulang ngayon sa manpower ang Lung Center of the Philippines matapos na tamaan ng COVID-19 ang may 36 nilang health workers.
Ang Lung Center ay isang referral center for severe at critical cases ng COVID-19.
"Sa ngayon ang active cases namin 36. Isa na ito sa pinakamadami sa history ng Lung Center since last year. Pero 405 na po ang naka-recover dito. Ang total namin 442. This is actually a good batting average compared to other healthcare hospitals,” sabi ni Dr. Norberto Francisco, ang humahawak sa media relations ng ospital.
“Ngayon, hirap po kami kasi talagang kulang na kulang ang manpower. We want to expand our services and we have been, isa ito sa pinakamataas naming din-dedicate ang ospital sa COVID beds, nasa 84 percent po kami ng capacity ng ospital dedicated sa COVID. Ang isa sa pumipigil yung healthcare personnel namin, limitado po. Masalimuot ang COVID, maalagain ang mga pasyente,” sabi ni Francisco. 
Puno pa rin aniya ang kanilang ospital at minsan ay umaabot ng hanggang limang araw ang paghihintay ng mga pasyente sa emergency room para maiakyat sa kwarto.
“The reliable indicator, one of the sensitive indicator of the operational capacity of the hospital, yun pila sa emergency room. Kasi kung bakante sa ospital kahit padating ng padating sa emergency room naigagawa namin ng paraan in 24 hours naiaakyat namin yan,” sabi niya.
Kaya mahalaga aniya ang pagkakaroon ng koordinasyon baka dalhin ang isang pasyente sa kanilang ospital.
- TeleRadyo 21 Setyembre 2021
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Read More:  health workers   COVID 19   Coronavirus  Lung Center of the Philippines   Norberto Francisco  
SOCIAL WEB
[THREAD] The Department of Justice releases information on 52 drug war cases it reviewed based on PNP records.

Her… https://t.co/y9Ss5KbXb5​@mikenavallo
8 m
LOOK: Student athletes line up to get their jabs vs #COVID19, as CHED, NTF & the Philippine Sports Commission hold… https://t.co/FYqdQeT1i9
21 m
© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!