NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
Nakaposas mga kamay: 2 lalaki patay sa pamamaril sa QC
ABS-CBN News
Posted at Nov 20 2020 10:16 AM | Updated as of Nov 20 2020 10:18 AM
Watch more on iWantTFC
Dead on the spot sa gilid ng kalsada sa Katipunan Avenue Service Road sa Barangay UP Campus ang dalawang hindi pa nakikilang lalaki.
Ayon sa Barangay Police Security Officer ng UP Campus, alas-2 ng madaling araw ng Biyernes nang makatanggap sila ng ulat mula sa isang motoristang nakakita sa dalawang bangkay.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima na kapwa nakaposas ang mga kamay at may tama ng mga bala sa ulo at katawan.
Posible umanong hindi sila mga residente ng naturang lugar.
Nasa 15 basyo ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang natagpuan ng awtoridad sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
- TeleRadyo 20 Nobyembre 2020 
Read More:  Shooting incident   pamamaril   summary execution   Quezon City   TeleRadyo  
SOCIAL WEB
Hiram Full Episode 4. Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium...
1 h
Salamat, Kapamilya, dahil andito pa rin tayo para sa isa't isa. ❤💚💙

24 m


© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!