NEWS
ADVERTISE WITH US
Home  >  News
P2.6-M halaga ng shabu nasabat sa Makati, 3 suspek timbog
ABS-CBN News
Posted at Nov 20 2021 08:41 AM
P2.6-M halaga ng shabu nasabat sa Makati, 3 suspek timbog
0:00/0:00
Watch more on iWantTFC
MAYNILA— Arestado ang tatlong drug suspect sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa lungsod ng Makati, Biyernes.
Ayon sa Southern Police District, nahuli ang isang 53 anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay East Rembo, Biyernes ng gabi.
Aabot sa kabuuang 200 grams ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek na tinatayang higit P1.3 milyon ang halaga.
Timbog din ang isa pang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Rizal matapos makabili ng droga sa kanya ang awtoridad na nagkakahalaga ng 85,000.
Matapos ang transaksiyon, hinuli agad ang dalawa at nakuhanan pa ng nasa 203 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit 1.3 milyon.
Ayon sa pulisya, sa pagluwag ng quarantine restrictions unti-unting bumabalik ang mga ilegal na aktibidad kaya tuloy pa rin ang operasyon nila laban sa droga.
- TeleRadyo 20 Nobyembre 2021
Read More:  Illegal drugs   buy bust operation   Makati City  shabu   Metro crime   TeleRadyo  
SOCIAL WEB
Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium and Standard Subscribers...
14 m
Stream it on demand and watch the full episode on http://iwanttfc.com or download the iWantTFC app via Google Play or the App Store. Available for Free, Premium and Standard Subscribers...
14 m
© 2022 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
ABOUT
CAREERS
PRIVACY
TERMS
CONTACT US
ADVERTISE WITH US




Welcome, Kapamilya!
We use cookies to improve your browsing experience.
Continuing to use this site means you agree to our use of cookies.
Tell me more!