tl.m.wikipedia.org
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (Pilipinas)
(Idinirekta mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Pilipinas))
Ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, na tinatawag ding Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon[2] (Ingles: Commission on Higher Education), dinaglat bilang CHED, ay isang ahensiya ng pamahalaang kaugnay sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas para sa mga layuning pampangasiwaan. Sumasaklaw ito ng kapuwang pampubliko at pampribadong mga institusyon ng mas mataas na edukasyon gayon din ng mga kursong inaalok sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon ng mas-mataas na edukasyon sa bansa.
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon
Commission on Higher Education

Seal
Buod ng Ahensya
PagkabuoMayo 18, 1994
KapamahalaanPilipinas
Punong himpilanGusaling HEDC, Abenida C.P. Garcia, Diliman, Lungsod Quezon
Taunang badyet49.43 bilyon (2018)[1]
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
  • Prospero de Vera III, Tagapangulo
  • Perfecto Alibin, Komisyoner
  • Ronald Adamat, Komisyoner
  • Lilian de las Llagas, Komisyoner
Pinagmulan na ahensiyaTanggapan ng Pangulo ng Pilipinas
Websaytched.gov.ph
Kasaysayan
Itinatag ang CHED noong Mayo 18, 1994 sa bisa ng Batas Republika Blg. 7722 o ang Higher Education Act of 1994 na ipinatnugot ni Senador Francisco Tatad.[3]
Ang paglikha ng CHED ay bahagi ng isang malawak na adyenda para sa mga pagbabago sa sistemang edukasyon ng bansa, na ibinalagkas ng Congressional Commission on Education (EDCOM) noong 1992. Bahagi ng mga pagbabago ay ang trifocalization ng sektor ng edukasyon. Ang tatlong mga lupong tagapamahala sa sektor ng edukasyon ay ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) para sa edukasyong tersiyaryo at gradwado, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa saligang edukasyon, at ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) para sa teknikal-bokasyonal at gitnang antas na edukasyon.
Tagapangulo
Ang tagapangulo ng CHED ay siya ring Tagapangulo ng Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas.
TagapanguloPetsa ng pagkakatalagaKomento
Carlito Puno2005
Romulo Neri2007Si Neri ay Direktor Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) at Kalihim ng Sosyo-ekonomiko. Dati rin siyang Kalim ng Pagbabadyet. Noong Hulyo 9, 2008, itinalaga ni Arroyo si Neri bilang pinuno ng SSS, kaya naging bakante ang posisyon.[4] Pansamantalang naging tagapangulo si Nona Ricaforte.
Emmanuel "Manny" AngelesAgosto 20, 2008Si Angeles ay dating kansilyer ng Angeles University Foundation at pangulo ng Clark Development Corporation.[5][6] Itinalaga ring komisyoner ng CHED si William Medrano noong Agosto 29, 2008.[7]
Patricia Licuanan2014[8]Siya ang itinalaga ni dating Pangulo Benigno Aquino III bilang tagapangulo.
Prospero De Vera IIIOktubre 2018Pagkabitiw ni Licuanan noong Enero 2018, itinalagang OIC (nanunungkulang pinuno/opisyal) si Komisyoner Prospero De Vera III. Kasunod ng siyam na buwan, itinalaga si De Vera bilang tagapangulo. [9]
Tingnan din
Talasanggunian
  1. http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2018/VolumeI/OEO/D.pdf
  2. Kapuwa maaari para sa pangalang Tagalog o Filipino ng ahensiya: "Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon" o "Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon" Sanggunian: "Patnubay sa Korespondensiya Opisyal, Ikaapat na Edisyon" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino. 2015.
  3. "Republic Act No. 7722 - An Act Creating the Commission on Higher Education appropriating funds therefor and for other purposes". Chan Robles Virtual Law Library. May 18, 1994.
  4. Palace accepts dela Paz resignation, names Neri to SSS[patay na link] abs-cbnnews.com
  5. Palace appoints new CHED chairman gmanews.tv/story
  6. Arroyo appoints new CHED chair[patay na link] abs-cbnnews.com
  7. Arroyo appoints more 2007 poll losers to gov’t posts gmanews.tv/story
  8. "CHED chair Patricia Licuanan resigns". Rappler. 15 January 2018. Nakuha noong 18 August 2019.
  9. "Duterte appoints De Vera as CHED chairman". Rappler. 15 Oktubre 2018.
Mga panlabas na link
CHED Philippines official website
Huling binago noong 2 Abril 2020, sa oras na 13:22.
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.
Patakaran sa Pagkapribado
Pagtatakda sa Paggamit
Desktop
TahananAlin manKalapitMag-loginMga kagustuhanDonasyonTungkol sa WikipediaPagtatanggi
WikaBantayanBaguhin