tl.m.wikipedia.org
Pamantasang Ateneo de Manila
Ang artikulong ito ay nakasulat nang parang isang patalastas.
Tumulong sa pagsasaayos ng artikulong ito nang walang pinapanigan(25 Agosto 2008)
Wala pong sangguniang sinipi o isinaad sa artikulo na ito. (Agosto 2008)
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan.
Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman.
Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.
Ateneo de Manila University
Pamantasang Ateneo de Manila
SawikainLux in Domino (Liwanag sa Panginoon)
Mga undergradweyt~7,000
LokasyonLungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Kampus1.2 km²
Awit ng paaralanA Song for Mary
KulayAsul at puti          
MaskotBlue Eagle
ApilasyonACUCA, ASEACCU, JCEAO, UAAP, UPEACE, atbp.
Websaytwww.ateneo.edu
Isa sa dalawang pamantasan sa Pilipinas ang Ateneo na nabigyan ng Level IV Accreditation, ang pinakamataas na antas, mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines, at ang PAASCU. Ang tanda na ito ay iginagawad sa mga institusyong nagpakilala sa sarili sa iba't ibang mga disiplina ng karunungan na nagbibigay sa Ateneo ng awtoridad at karangyaan na maihahambing sa mga ibang tanyag na pamantasan sa ibang bansa.
Layunin
Nakakapit sa tradisyong pang-edukasyon ng Heswita ang mithiin at misyon ng Ateneo. ("The Ateneo has grounded its vision and mission in Jesuit educational tradition"). Malalagom ang paglalahad ng misyon-mithiin ng Ateneo sa sumusunod na talata,
"Nais ng Pamantasang Ateneo ng Manila na paunlarin ang mga lalaki't babae upang siyasatin ng may lalim ang ginagalawan nilang mundo, marating ang kagitingan at kakayahang mamuno upang makabuo ng mga kasagutan sa mga problema ng lipunan, at makapag-ambag sa pag-unlad ng sambayanang Pilipino at ng mundo sa kabuoan."
Nakabuo na ang Ateneo ng ilang salinglahi ng mga pinuno at mga taong may mahalagang bahagi sa pagbuo at pagbago ng pampolitika, pang-ekonomiya at panlipunan na buhay ng bansa gaya nina Jose Rizal, Horacio de la Costa, Claro M. Recto, Raul Manglapus, Soc Rodrigo, at Ninoy Aquino, at ang maraming lalaki't babae sa pamahalaan, pagtuturo, pribadong sektor at civil society.
Kilalang mga nag-aral at mga propesor
Mga panlabas na kawing
Opisyal na mga web sayt
Paaralang Pampropesyonal
Silid-aklatan
Iba pa
Huling binago noong 11 Mayo 2021, sa oras na 04:40.
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.
Patakaran sa Pagkapribado
Pagtatakda sa Paggamit
Desktop
TahananAlin manKalapitMag-loginMga kagustuhanDonasyonTungkol sa WikipediaPagtatanggi
WikaBantayanBaguhin