Wikipedia
Maligayang pagdating sa Wikipedia,
ang malayang ensiklopedyang​maaaring baguhin ninuman.
Patungkol · Maghanap · Maglathala ·Magbago · Magpatulong · Malimit itanong ·Magtanong · Paanyaya · Makipag-ugnayan ·Humiling · Paksain · Indeks · Magtanong sa Pamayanan ng Wikipediang Tagalog · For non-Tagalog speakers
 Napiling artikulo
Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900Hulyo 31, 1986) ay isang diplomatang Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwaniya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwaniya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisang transito (sa pasaporte) o pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapon. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bilang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong Enero 1, 1900, sa Yaotsu, isang areang rural sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa Hapon, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina. Ikalawa siya sa limang magkakapatid na lalaki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-diyunyor at senyor.
Marami pang artikulong napili...
 Napiling larawan
Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.
May-akda ng larawan: Uoaei1
Marami pang larawang napili...
 Mga kasalukuyang pangyayari
  • Sa boksing, nagwagi si Nonito Donaire matapos mapatumba nang tatlong beses ang Pranses na si Nordine Oubaali hanggang sa ikaapat na yugto ng labanan sa Showtime Championship Boxing main event na naganap noong Mayo 29 sa Carson, California, Estados Unidos. Napanalunan niya ang titulong WBC bantamweight.
  • Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Republika Bilang 11552 noong Mayo 27 na may layong ireporma ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira) na mapapaso sa darating na Hunyo 26. Nakasaad dito ang pagpapahaba at ekstensyon ng panahon para sa mga nakakabit na kabahayan sa linya ng kuryente, lalo na ang mga taong mahihirap, at pagsubsidiyahan ang kabayaran sa mga ito sa loob ng 50 taon.
  • Krisis sa Israel–Palestina: Nakipagsunduan ang Israel at Hamas para sa tigil-putukan ng hidwaan sa Gaza noong Mayo 20 matapos masawi ang halos 200 na mga tao sa loob ng 11 na araw ng pakikipagbakbakan.
  • Pumanaw ang Amerikanong astronota na si Michael Collins (nakalarawan) noong Abril 28 dahil sa sakit na kanser sa edad na 90. Siya ang nag-piloto palibot ng buwan lulan ng command module habang isinasagawa nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang unang paglapag sa buwan na bahagi ng programang Apollo 11 noong 1969.
  • Umabot na sa higit 1 milyong mga naitalang kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong Abril 26 (lunes) matapos mapabilang ang halos 8,930 na mga bagong kaso sa loob ng isang araw. Ang kabuuang bilang ay umabot na sa 1,006,428 kung saan 74,623 (7.4%) ang mga aktibong kaso at 914,952 (90.9%) ang mga gumaling. 16,853 pa lang ang mga naitalang nasawi dahil sa sakit.
WikinewsIba pang mga pangyayari sa kasalukuyan...
 Alam ba ninyo
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
Mga nagdaang napiliMagsimula ng bagong artikulo
Wika
View edit history of this page.
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.
Patakaran sa Pagkapribado
Pagtatakda sa Paggamit
Desktop
TahananAlin manKalapitMag-loginMga kagustuhanDonasyonTungkol sa WikipediaPagtatanggi