Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Litrato" (Documentary by Howie Severino)


Episode on March 29, 2010 Monday after Saksi "LITRATO" (Documentary by Howie Severino) Can a picture still paint a thousand words when the world is drowning in pictures? When everybody these days is part of the paparazzi, can a single shot still change a life? Howie Severino recalls the time during the Marcos era when taking a photo at a protest rally landed him in a military prison. With a camera that still used film, Howie documented a young student activist as she was being dragged away by police after the violent dispersal of a rally. In the next instant, Howie too was arrested, sending him on a path that would change his life. In Litrato, Howie and his documentary team explore the meaning of that single picture and meet seasoned photojournalists -- Alex Baluyut, Luis Liwanag, and Ramon Hormillo -- who show them pictures that changed their lives as well. Through these pictures, Litrato reflects on the power of photography and the responsibility of the multitudes who wield it. But who was that student in Howie's picture and whatever happened to her? Find out on Litrato, this Monday March 29, after Saksi.
"LITRATO" (Dokumentaryo ni Howie Severino) Nabago na ba ng isang litrato ang iyong buhay? Ito ang isang napaka-personal na tanong na sasagutin ni Howie Severino sa dokumentaryong base mismo sa kaniyang karanasang dalawampu't limang taon na ang nakararaan. Di malilimutang bahagi ng buhay ni Howie Severino ang taong 1985 sa ilalim ng panunungkulan ng diktaduryang Marcos. Nagtuturo pa noon ng high school si Howie nang ikinulong siya dahil sa pagkuha niya ng litrato sa isang babaeng hinuhuli ng mga pulis sa kalagitnaan ng isang rally. Inaresto siya matapos na mapagbintangang lider ng rally. Kasama rin sa mga hinuli noong araw na iyon ang mga batikang alagad ng sining na sina Lino Brocka at Behn Cervantes. Ipiniit sila kasama ng ilang dosenang aktibista sa Ipil Detention Center sa Fort Bonifacio. Nakatahi rin sa dokumentaryong ito ang pagtalakay sa kapangyarihan ng lente sa pananaw ng mga nangungunang photojournalist ng bansa na sina Alex Baluyut at Luis Liwanag. Isang rebelasyon naman ang ibubulgar ni Ramon Hormillo, isang dating photojournalist na umalis sa kanyang propesyon dahil sa isang mapait na pangyayari. Pero sino nga ba ang babaeng nakunan ni Howie ng litrato at bakit siya hinuli ng mga pulis noon? Ano ang nangyari sa kaniya matapos ang mahigit dalawampung taon? Matagpuan kaya ni Howie ang babaeng nasa litrato? Abangan ang mga kasagutan ngayong darating na Lunes sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.